PILAK
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.


Pinagka-isang Layunin Ng Kabataan
 
HomePortalGallerySearchLatest imagesRegisterLog in

 

 Kung Tuyo na ang LUHA Mo, Aking Bayan

Go down 
AuthorMessage
PILAK
Admin
Admin



Female
Number of posts : 38
Age : 46
Location : Malabon
Registration date : 2008-05-16

Kung Tuyo na ang LUHA Mo, Aking Bayan Empty
PostSubject: Kung Tuyo na ang LUHA Mo, Aking Bayan   Kung Tuyo na ang LUHA Mo, Aking Bayan Icon_minitimeThu Jun 26, 2008 2:59 am

Kung Tuyo na ang LUHA Mo, Aking Bayan
ni Amado V. Hernandez

Lumuha ka aking bayan, buong lungkot mong iluha
ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa
ang bandilang sagisag mo'y lukob ng dayong bandila
pati wikang minana mo'y busabos ng ibang wika
ganito ring araw noon ng agawan ka ng laya
labintatlo ng agosto ng saklutin ang Maynila

Lumuha ka habang sila ay palalong nagdiriwang
sa libingan ng maliit, ang malaki'y may libangan
katulad mo ay si Huli, naaliping bayad utang
katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan
walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban
tumataghoy, kung paslangin, tumatangis, kung nakawan

Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop
na sa iyo'y pampahirap, sa banyaga'y pampalusog
ang lahat mong kayamana'y kamal-kamal na naubos
ang lahat mong kalayaa'y sabay-sabay na natapos
masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo'y nakatanod
masadan mo ang iyong dagat, dayong pabor, nasa laot

Lumuha kung sa puso mo ay magmaliw na ang layon
kung ang araw sa langit mo ay lagi ng dapithapon
kung ang alon sa dagat mo ay ayaw ng magdaluyong
kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol
kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon
lumuha ka nang lumuha't ang laya mo'y nakaburol

May araw ding ang luha mo'y masasaid matutuyo
may araw ding di na luha sa mata mong mamumugto
ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo
samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo
sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
at ang lumang tanikala'y lalagutin mo ng punglo!

agosto 13, 1930
Back to top Go down
https://pilak.forumotion.com
 
Kung Tuyo na ang LUHA Mo, Aking Bayan
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
PILAK :: Cultural Section :: Mga Tula-
Jump to: